Bahagi 40
Paghahayag na ibinigay kina Joseph Smith, ang Propeta, at Sidney Rigdon, sa Fayette, New York, Enero 6, 1831. Bago ang tala ng paghahayag na ito, ipinahahayag ng kasaysayan ng Propeta, “Sapagkat tinanggihan ni James [Covel] ang salita ng Panginoon, at bumalik sa kanyang dating mga alituntunin at mga tao, ibinigay ng Panginoon sa akin at kay Sidney Rigdon ang sumusunod na paghahayag” (tingnan sa bahagi 39).
1–3, Ang takot na mausig at ang mga kabalisahan ng sanlibutan ay nagdudulot ng pagtanggi sa ebanghelyo.
1 Dinggin, katotohanan, sinasabi ko sa inyo, na ang puso ng aking tagapaglingkod na si James Covel ay matwid sa harapan ko, sapagkat nakipagtipan siya sa akin na siya ay susunod sa aking salita.
2 At kanyang tinanggap ang salita nang may kagalakan, subalit kaagad siyang tinukso ni Satanas; at ang takot na mausig at ang mga kabalisahan ng sanlibutan ang nagdulot sa kanya na itatwa ang salita.
3 Samakatwid, kanyang nilabag ang aking tipan, at nasa sa akin na gawin sa kanya ang sa palagay kong makabubuti. Amen.