Bahagi 47
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Kirtland, Ohio, Marso 8, 1831. Noong una, nag-atubili si John Whitmer, na naglingkod na bilang klerk ng Propeta, noong hiniling sa kanya na maglingkod bilang mananalaysay at tagasulat ng Simbahan, pinapalitan si Oliver Cowdery. Isinulat niya, “Mas hangad ko na hindi ito gawin subalit nabatid ko na matutupad ang kalooban ng Panginoon, at kung kanyang nais ito, nais kong ipahayag niya iyon sa pamamagitan ni Joseph, ang Tagakita.” Matapos matanggap ni Joseph Smith ang paghahayag na ito, tinanggap at naglingkod si John Whitner sa itinalagang tungkulin sa kanya.
1–4, Hinirang si John Whitmer na ingatan ang kasaysayan ng Simbahan at magsulat para sa Propeta.
1 Dinggin, marapat sa akin na ang aking tagapaglingkod na si John ay nararapat magsulat at mag-ingat ng isang patuloy na kasaysayan, at tumulong sa iyo, aking tagapaglingkod na Joseph, sa pagtatala ng lahat ng bagay na ibibigay sa iyo, hanggang siya ay tawagin sa iba pang tungkulin.
2 Muli, katotohanan, sinasabi ko sa iyo na maaari din niyang itaas ang kanyang tinig sa mga pagpupulong, kailanman ito marapat.
3 At muli, sinasabi ko sa iyo na itatalaga sa kanya na patuloy na ingatan ang talaan at kasaysayan ng simbahan; sapagkat si Oliver Cowdery ay aking itinalaga sa ibang katungkulan.
4 Samakatwid, itatalaga sa kanya, yamang siya ay matapat, ng Mang-aaliw, na isulat ang mga bagay na ito. Maging gayon nga. Amen.