Mga Banal na Kasulatan
Doktrina at mga Tipan 55


Bahagi 55

Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, kay William W. Phelps, sa Kirtland, Ohio, Hunyo 14, 1831. Kararating lamang ni William W. Phelps, isang manlilimbag, at ng kanyang mag-anak sa Kirtland, at humingi ang Propeta ng kaalaman sa Panginoon hinggil sa kanya.

1–3, Si William W. Phelps ay tinawag at pinili na mabinyagan, maorden bilang isang elder, at mangaral ng ebanghelyo; 4, Magsusulat din siya ng mga aklat pambata sa mga paaralan sa Simbahan; 5–6, Maglalakbay siya patungong Missouri, na siyang lugar na kanyang pagpapagalan.

1 Dinggin, ganito ang wika ng Panginoon sa iyo, aking tagapaglingkod na William, oo, maging ang Panginoon ng buong mundo, ikaw ay tinawag at pinili; at matapos kang mabinyagan sa pamamagitan ng tubig, na kung iyong gagawin nang may matang nakatuon sa aking kaluwalhatian, ikaw ay magkakaroon ng kapatawaran ng iyong mga kasalanan at matatanggap ang Banal na Espiritu sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay;

2 At pagkatapos, ikaw ay oordenan sa pamamagitan ng kamay ng aking tagapaglingkod na si Joseph Smith, Jun., na maging isang elder ng simbahang ito, na mangaral ng pagsisisi at kapatawaran ng mga kasalanan sa pamamagitan ng pagbibinyag sa pangalan ni Jesucristo, ang Anak ng buhay na Diyos.

3 At kung kanino mo man ipapatong ang iyong mga kamay, kung sila ay nagsisisi sa harapan ko, magkakaroon ka ng kapangyarihan na igawad ang Banal na Espiritu.

4 At muli, ikaw ay oordenan na tumulong sa aking tagapaglingkod na si Oliver Cowdery na isagawa ang gawain ng paglilimbag, at ng pagpili at pagsulat ng mga aklat para sa mga paaralan ng simbahang ito, upang ang maliliit na bata ay makatanggap din ng mga tagubilin sa harapan ko na ikinalulugod ko.

5 At muli, katotohanan, sinasabi ko sa iyo, sa kadahilanang ito ka maglalakbay na kasama ang aking mga tagapaglingkod na sina Joseph Smith, Jun., at Sidney Rigdon, upang ikaw ay manirahan sa lupain na iyong mana upang isagawa ang gawaing ito.

6 At muli, hahayo rin sa kanyang paglalakbay ang aking tagapaglingkod na si Joseph Coe na kasama nila. Ang iba ay ipaaalam pagkaraan nito, maging alinsunod sa kalooban ko. Amen.

Print