Mga Banal na Kasulatan
Doktrina at mga Tipan 73


Bahagi 73

Paghahayag na ibinigay kina Joseph Smith, ang Propeta, at Sidney Rigdon, sa Hiram, Ohio, Enero 10, 1832. Mula noong unang bahagi ng nakaraang buwan ng Disyembre, naging abala sa pangangaral ang Propeta at si Sidney, at sa pamamagitan nito, maraming nagawa upang mabawasan ang mga hindi magandang damdamin na lumitaw laban sa Simbahan (tingnan sa ulo ng bahagi 71).

1–2, Magpapatuloy ang mga elder sa pangangaral; 3–6, Magpapatuloy sina Joseph Smith at Sidney Rigdon sa pagsasalin ng Biblia hanggang sa matapos ito.

1 Sapagkat katotohanan, ganito ang wika ng Panginoon, marapat sa akin na sila ay nararapat magpatuloy sa pangangaral ng ebanghelyo, at sa panghihimok sa mga simbahan sa mga lugar sa paligid, hanggang sa sumapit ang pagpupulong;

2 At pagkatapos, dinggin, ipababatid sa kanila, alinsunod sa tinig ng kapulungan, ang kanilang iba’t ibang misyon.

3 Ngayon, katotohanan, sinasabi ko sa inyo na aking mga tagapaglingkod, Joseph Smith, Jun., at Sidney Rigdon, sinasabi ng Panginoon, kinakailangan na magsalin muli;

4 At, yamang maisasagawa ito, mangaral sa mga lugar sa paligid hanggang sa sumapit ang pagpupulong; at pagkatapos niyon, kinakailangan na magpatuloy sa pagsasalin hanggang sa ito ay matapos.

5 At ito ay magiging huwaran sa mga elder hanggang sa makatanggap ng karagdagang kaalaman, maging tulad ng nakasulat.

6 Ngayon, hindi na ako magbibigay pa sa inyo sa mga oras na ito. Bigkisan ang inyong mga balakang at maging mahinahon. Maging gayon nga. Amen.