Bahagi 92
Paghahayag na ibinigay kay Joseph Smith, ang Propeta, sa Kirtland, Ohio, Marso 15, 1833. Tinatagubilinan ng paghahayag na ito si Frederick G. Williams, na katatalaga lamang na isang tagapayo kay Joseph Smith, tungkol sa kanyang mga tungkulin sa Nagkakaisang Samahan (tingnan sa mga ulo ng mga bahagi 78 at 82).
1–2, Ang Panginoon ay nagbibigay ng isang kautusan tungkol sa pagtanggap sa nagkakaisang orden.
1 Katotohanan, ganito ang wika ng Panginoon, ibinibigay ko sa nagkakaisang orden, na itinatag alinsunod sa kautusan na naunang ibinigay, ang isang paghahayag at kautusan hinggil sa aking tagapaglingkod na si Frederick G. Williams, na inyo siyang tatanggapin sa orden. Kung anuman ang sinasabi ko sa isa ay sinasabi ko sa lahat.
2 At muli, sinasabi ko sa iyo, aking tagapaglingkod na Frederick G. Williams, ikaw ay magiging isang masiglang kasapi ng ordeng ito; at yamang ikaw ay tapat sa pagsunod sa lahat ng naunang kautusan, pagpapalain ka magpakailanman. Amen.