Mga Kard ng Kasaysayan ng Simbahan
Gupitin ang mga kard, itupi sa tulduk-tuldok na linya, at pagdikitin ang mga ito ng teyp.
Elizabeth Claridge McCune
“Itinuturo sa atin ng ating relihiyon na ang babae ay kabalikat ng asawang lalaki.”
-
Nang magsabi ang mga tao ng mga maling bagay tungkol sa kababaihan sa Simbahan, ipinagtanggol niya ang kanyang mga pinaniniwalaan.
-
Ang kanyang halimbawa ay nakatulong para mahikayat ang mga pinuno ng Simbahan na tumawag ng kababaihan para maging mga full-time missionary.
-
Lumipat siya ng New York, USA, mula sa England at nagturo sa mga klase ng family history.
-
Nagmisyon sila ng kanyang asawa at mga anak sa Peru.
Hirini Te Rito Whaanga
“Walang iba maliban sa dalisay na katapatan sa [aking] pananampalataya ang naghatid sa akin dito.”
-
Isa siyang Māori chief sa New Zealand.
-
Nang dumating ang mga missionary sa kanilang bansa, sumapi sila ng kanyang asawang si Mere sa Simbahan.
-
Nagpunta siya sa Utah para gawin ang gawain sa templo para sa kanyang mga tao.
-
Bumalik siya sa New Zealand bilang isang missionary. Gumawa siya roon ng gawain sa family history at nagturo ng ebanghelyo.