Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Masayang Oras sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan para sa Maliliit na Bata
Ang mga ideyang ito ay naaayon sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya bawat linggo.
Para sa Doktrina at mga Tipan 125–128: Maghalinhinan sa pagsasabi ng magagandang bagay tungkol sa isa’t isa. Tulungan ang inyong mga musmos na sabihing, “Mahal ko ang pamilya ko.”
Para sa Doktrina at mga Tipan 129–132: Sama-samang magdrowing ng larawan ng isang templo. Ipadrowing sa bawat tao ang isang bahagi. Tulungan ang inyong mga musmos na sabihing, “Pinagpapala ng mga templo ang aming pamilya.”
Para sa Doktrina at mga Tipan 133–134: Hilingin sa inyong mga musmos na magsaya at magpalakpakan. Pag-usapan kung paano magiging masaya ang Ikalawang Pagparito ni Jesus. Tulungan ang inyong mga musmos na sabihing, “Muling paparito si Jesus!”
Para sa Doktrina at mga Tipan 135–136: Tingnan ang mga larawan mula sa mga magasin o website ng Simbahan na nagpapakita ng mga tagpo mula sa buhay ni Joseph Smith. Tulungan ang inyong mga musmos na sabihing, “Si Joseph Smith ay propeta.”