Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Ang Nauvoo Temple
Ang mga Banal ay nagtayo ng isang bagong lungsod na tinawag na Nauvoo. Sinabihan sila ng Diyos na magtayo ng templo roon.
Nagsikap nang husto ang mga Banal para maitayo iyon. Itinayo nila iyon malapit sa isang malaking ilog. Nag-ukit sila ng mga araw at bituin sa bato.
Sinabi ng Panginoon na magtayo ng isang bautismuhan sa loob ng templo. Puno iyon ng tubig.
Bininyagan ang mga tao para sa mga kapamilyang namatay bago mabinyagan.
Dahil sa mga templo, maaari kong makapiling ang pamilya ko magpakailanman. Balang-araw ay makakapasok ako para magsagawa ng mga binyag sa templo.