Isinulat Mo
Pagharap sa Propeta
Ilang taon na ang nakaraan, dumating si Pangulong Nelson sa aking bayang sinilangan sa Puerto Rico. Malaking pagpapala ito. Noon pa man ay gusto ko na siyang makita. At gusto kong magkaroon ng pagkakataong makaharap siya. Sabi ng nanay ko, mahirap iyon dahil maraming tao sa miting. Nanalig pa rin ako, at ipinagdasal ko nang husto na makaharap siya.
Habang nagbibigay siya ng mensahe, sumulat ako ng maikling sulat sa kanya. Umasam ako at nanampalataya na maibibigay ko sa kanya ang sulat ko. Pagkatapos ng mga mensahe, sinikap kong makalapit. Nakita niya ang bunso kong kapatid na lalaki at nilapitan niya ito nang nakangiti. Pagkatapos ay kinamayan niya ako! Sabi niya sa akin, “Magiging magaling kang missionary.” Lagi kong maaalala ang kanyang mga salita.