Tulang may Aksyon
Ang Aking Pamilya
Isang nanay* na habang daa’y hahawak sa kamay ko.
Isang lola* na masasarap na pagkain ang niluluto.
Isang tatay* na yayakapi’t hahagkan ako.
Isang kuya* na sa pagpili ng tama’y tutulungan ako!
Regalo mula sa Diyos ang pamilya ko.
‘Pag tinutulungan ko sila, pag-ibig Niya’y nadarama ko.