Masasayang Bagay
Pagtutugma sa Family History
Si Eva ay mula sa Russia. Gustung-gusto niyang gumawa ng mga aktibidad sa family history! Gumagawa siya ng mga video para ibahagi ang kanyang mga ideya sa iba. Narito ang isang maaari mong subukan.
-
Magdrowing o mag-print ng dalawang larawan ng bawat miyembro ng pamilya—isang bata pa sila at isang matanda na sila.
-
Idikit ang mga larawan sa matigas na papel. Dekorasyunan ang likod ng papel. (Dinekorasyunan ni Eva ang larawan niya gamit ang watercolor paint) Pagkatapos ay gupitin ang mga larawan para gumawa ng mga kard.
-
Ngayo’y maglaro ng pagtutugma! Itaob ang mga kard. Kumuha ng dalawang kard. Kung magkaiba ang taong ipinapakita nito, ibalik ang mga ito. Kung magkapareho ang taong ipinapakita nito, itabi ang mga kard at muling kumuha. Ilang magkakatugma ang mahahanap mo?