Matulunging mga Kamay sa Iba’t Ibang Panig ng Mundo
Kilalanin si Magali mula sa Uruguay
Kilalanin ang mga batang Primary na tumutulong sa iba, tulad ng ginawa ni Jesus.
Lahat ng tungkol kay Magali
Edad: 11
Mula sa: Uruguay
Wika: Spanish
Pamilya: Papa, Mama, isang kapatid na lalaki, dalawang kapatid na babae, at Lola
Mga Mithiin at Pangarap: 1) Makapagmisyon. 2) Magtrabaho sa UNICEF para matulungan ang mga bata sa buong mundo.
Matulunging mga Kamay ni Magali
Tinutulungan ni Magali ang kanyang mga magulang sa kanilang sakahan. Tinitipon niya ang mga itlog ng manok para makain ng kanyang pamilya. Pinaiinom niya ng gatas ang mga guya at ng tubig ang mga kuneho. Ang pagtulong sa kanyang pamilya ay nagturo sa kanya na ang paglilingkod ay isang bagay na napakahalaga. Sabi ni Magali, “Dapat nating laging paglingkuran ang mga nasa paligid natin.”
Ang isa pang paraan ng paglilingkod ni Magali ay sa pagtulong sa kanyang lola na basahin ang mga banal na kasulatan, lalo na ang Aklat ni Mormon. Masayang-masaya siyang tularan si Jesus sa pamamagitan ng pagtulong sa iba.
Mga Paborito ni Magali
Lugar: Montevideo Uruguay Temple
Kuwento tungkol kay Jesus: Nang pagalingin ni Jesus ang babaeng humipo sa Kanyang bata
Awitin sa Primary: “Sa Aking Pagkabinyag” (Aklat ng mga Awit Pambata, 53)
Pagkain: Lahat ng luto ng kanyang ina
Kulay: Rosas
Subject sa Paaralan: Math