2021
Masayang Oras sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan
Nobyembre 2021


Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Masayang Oras sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan

Ang mga ideyang ito ay naaayon sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya bawat linggo.

Masayang Oras sa Family History

child’s drawing of a family

Para sa Doktrina at mga Tipan 125–128

  • Kantahin ang “Kasaysayan ng Mag-anak” (Aklat ng mga Awit Pambata, 100).

  • Nais ng Ama sa Langit at ni Jesus na mahalin natin ang ating pamilya (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 126:3). Kabilang diyan ang pag-aaral tungkol sa ating family history.

  • Basahin ang kuwento sa pahina 12 nang sama-sama. Pagkatapos ay buklatin ang pahina 29 para makita ang masayang aktibidad sa family history. Sumulat sa amin at ibahagi ang ginawa mo! Tingnan ang pabalat sa likod para malaman kung paano.

Ang Aking Family Tree

drawing of tree with cut-out leaves attached

Para sa Doktrina at mga Tipan 129–132

  • Sama-samang awitin ang “Mag-anak ay Magsasamang Walang-Hanggan” (Aklat ng mga Awit Pambata, 98).

  • Itinuro ni Jesus na mahalaga ang mga pamilya. Sa templo, maaari tayong mabuklod sa ating pamilya magpakailanman (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 132:19).

  • Gumawa ng isang family tree! Sabihin sa bawat miyembro ng pamilya na gumawa ng isang dahong papel at isulat ang pangalan nila rito. Sa isa pang papel, magdrowing ng katawan ng isang punungkahoy. Pagkatapos ay idikit o iteyp ang mga dahon sa itaas ng puno.

Kapag Dumating si Jesus

image of Jesus in a white robe

Para sa Doktrina at mga Tipan 133–134

  • Awitin ang “Sa Kanyang Pagbabalik” (Aklat ng mga Awit Pambata, 46–47).

  • Balang-araw ay paparitong muli si Jesucristo sa lupa (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 133:19–21, 25). Maaari tayong makapaghanda sa pamamagitan ng pag-aaral tungkol sa Kanya, pagmamahal sa iba, at pagsunod sa mga kautusan.

  • Buklatin sa pahina 15 at gawin ang isang aktibidad tungkol sa Ikalawang Pagparito. Maaari ka ring magdrowing ng isang larawan ng iniisip mong magiging hitsura ng Ikalawang Pagparito.

Kadena ng Pasasalamat

Joseph Smith holding copy of Book of Mormon

Para sa Doktrina at mga Tipan 135–136

  • Kantahin ang “Purihin ang Propeta,” (Mga Himno, blg. 21).

  • Si Joseph Smith ay isang propeta ng Diyos (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 135:3). Tinuruan niya tayo tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo. Tumulong siyang ipanumbalik ang Simbahan ni Jesucristo.

  • Bakit kayo nagpapasalamat para kay Joseph Smith? Sa patnubay ng Ama sa Langit, dinala niya sa atin ang Aklat ni Mormon, mga templo, at maraming iba pang mga pagpapala. Idrowing o isulat ang ilan sa mga pagpapalang ito sa mga piraso ng papel. Pagkatapos ay gumawa ng kadenang papel mula sa mga ito!

November 2021 Friend magazine.

Mga paglalarawan ni Katy Dockrill