Mga Tala sa Kumperensya
Bakit Tayo Nagsisimba
Sinabi ni Pangulong Oaks na mahalaga ang pagsisimba. Kapag nagsisimba tayo, maaari tayong magtulungan bilang isang team para paglingkuran ang iba. Maaari nating tulungan ang mga taong nag-iisa at mahalin sila. Maaari din nating tanggapin ang sakramento at sambahin si Jesucristo.
Itinuturo nito sa akin:
Ang Pangalan ng Simbahan
Nagsalita si Elder Andersen tungkol sa isang batang babae sa Tahiti na gumamit ng buong pangalan ng Simbahan. Nang itanong ng kanyang guro sa paaralan kung siya ay Mormon, sabi niya, “Miyembro po ako ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw.” Ninais ng kanyang guro na malaman pa ang tungkol sa Simbahan. Kalaunan, nabinyagan ang kanyang guro!
Itinuturo nito sa akin:
Isang Mithiin sa Banal na Kasulatan
Nagkuwento si Sister Cordon tungkol sa isang batang babae na nagtakda ng mithiin na basahin ang mga banal na kasulatan. Nagbasa siya ng limang talata tuwing umaga. Pagkatapos ay inanyayahan niya ang kanyang mga magulang at kapatid na sabayan siya sa pagbabasa. Tinulungan niya ang kanyang pamilya na mas mapalapit kay Jesucristo.
Itinuturo nito sa akin:
Makipagkita sa mga Missionary
Ibinahagi ni Elder Giuffra kung paano siya sumapi sa Simbahan sa Chile. Isang araw nakita niya ang dalawang missionary na bumisita sa kanyang kapitbahay. Nagtanong siya sa kanyang kapitbahay tungkol sa kanila, at inanyayahan siya nitong makipagkita sa kanila. Itinuro ng mga missionary sa kanya at sa kanyang ina na manampalataya kay Jesucristo. Nagkaroon sila ng patotoo at nagpasiya silang magpabinyag.
Itinuturo nito sa akin: