2021
Kuwentuhan Ninyo Ako ng Isang Pakikipagsapalaran
Nobyembre 2021


Kuwentuhan Ninyo Ako ng Isang Pakikipagsapalaran

mom telling bedtime story to boy

Oras na para matulog. Pero hindi pa inaantok si Sam.

“Kuwentuhan ninyo ako ng isang pakikipagsapalaran, Inay,” sabi niya. “Kuwentuhan ninyo ako tungkol sa inyo noong maliit pa kayo.”

“OK,” sabi ni Inay. Hinagod nito ang buhok niya. Nag-isip siya sandali.

“Noong maliit pa ako,” sabi ni Inay, “mahilig kaming magbuo ng kunwa-kunwariang mga bayan. Gumawa kami ng mga bahay-bahayan gamit ang mga kumot at upuan. Lahat ng kapatid ko ay may kunwa-kunwariang mga trabaho.”

“Ano po ang trabaho ninyo?” tanong ni Sam.

“May tinda-tindahan ako. Gumawa kami ng mga perang yari sa papel. Maaari kang bumili ng pagkain at mga diyaryo. Gustung-gusto naming maglaro nang magkakasama sa bayan namin.”

“Ano pa po ang ginawa ninyo?” tanong ni Sam.

“Minsan ay nagtayo kami ng zoo para sa bayan namin. Ginamit namin ang mga stuffed animal namin.”

Iniabot ni Sam ang teddy bear niya. “Gaya po nito?”

“Gaya niyan,” sabi ni Inay. “Puwedeng magpunta ang mga tao para makita ang zoo.”

Niyakap ni Sam ang teddy bear niya. “Kuwentuhan pa ninyo ako, Inay.”

“Nagsulatan din kami sa isa’t isa. Inilagay namin ang mga iyon sa kunwa-kunwariang mga mailbox. Ang tito mo ang tagahatid ng sulat. Siya ang naghatid ng sulat sa mga bahay-bahayan namin. Masayang makatanggap ng mga sulat.”

brother and sister playing at pretend town

Gustong sumulat ni Sam ng liham! Siguro puwede siyang gumawa ng sulat bukas.

“Kung minsa’y nagtatalo kami,” sabi ni Inay. “Pero nagsosori kami at sumusubok ulit. Natuto kaming makisama at maging masaya.”

“Gaya ko at ni Ava,” sabi ni Sam.

“Oo,” sabi ni Inay. “Gaya noon. Natututo ka ring makisama.”

“Ang ganda po ng kuwento,” sabi ni Sam. “Kukuwentuhan po ba ninyo ako ng ibang pakikipagsapalaran bukas?”

“Oo,” sabi ni Inay. “Kukuwentuhan kita tungkol sa tatay mo noong maliit pa siya.”

Hinagkan ni Inay si Sam. Inayos nito ang kumot niya.

“Good night po,” sabi ni Sam. Pagkatapos ay pumikit na siya at nag-isip tungkol sa mga zoo at bayan at perang papel.

November 2021 Friend magazine.