Mahal na mga Kaibigan,
Noong unang panahon, isinulat ng mga propeta ang mahahalagang salita mula sa Ama sa Langit. Mababasa natin ngayon ang mga salitang iyon sa mga banal na kasulatan. Nangungusap din sa atin ngayon ang Ama sa Langit. sa pamamagitan ng Kanyang mga propeta!
Noong nakaraang buwan, narinig nating magsalita ang propeta at iba pang mga pinuno ng Simbahan sa pangkalahatang kumperensya. Ibinahagi nila ang mga salitang nais ng Ama sa Langit na marinig natin. Magpunta sa mga pahina 2–7 para maalala ang ilan sa mga ibinahagi nila. Paano ninyo masusunod ang mga turo ng propeta?
Nagmamahal,
Ang Kaibigan
Kung Saan Ko Binabasa ang Kaibigan
Binabasa ni Paola C., edad 7, ang Kaibigan sa Portuguese sa Santa Catarina, Brazil!
Gustung-gusto Naming Makita ang Templo
Tuwing Linggo, naglilibot sina Noah at Henry B., edad 6 at 8, sa paligid ng bakuran ng Houston Texas Temple kasama ang kanilang pamilya.
Salamat!
Salamat sa inyong napakagagandang magasin! Kahit binabasa ko ang magasing Para sa Lakas ng mga Kabataan, gustung-gusto ko pa rin ang Kaibigan.
Jaden H., edad 11, Puerto Rico