Ipakita at Ikuwento ang Tungkol sa Kumperensya
“Ngayo’y Nakikinig Tayo sa Ating Propeta,” Aimeé H., edad 9, Oaxaca, Mexico
Gordon W., edad 10, Central Java, Indonesia
Heitor T., edad 9, Sergipe, Brazil
Lincoln H., edad 11, Hawaii, USA
Sinabi sa atin ni Brother Wilcox na ang “bisig ng awa [ni Jesucristo] ay nakaunat” sa atin. Kung magkasala tayo, maaari tayong magsisi. Nauunawaan tayo ng Ama sa Langit at nariyan Siya para sa atin.
Mia P., edad 11, Washington, USA
Natutuhan ko mula kay Pangulong Nelson na pakinggan ang tatlong mahahalagang bagay: dalisay na katotohanan, dalisay na doktrina ni Jesucristo, at dalisay na paghahayag.
Perciany L., edad 9, Kasaï-Oriental, Democratic Republic of the Congo
Nasiyahan ako sa mensahe ni Elder Renlund tungkol sa pagbabago ng ating puso para magkaisa. Kung minsa’y nakikipagtalo ako sa aking kapatid na babae at kapatid na lalaki. Nalaman ko na kailangan kong maging tagapamayapa.
Anton M., edad 9, Russia
Mahal na mahal ko ang mga templo at inaasam kong mabisita ang bagong templo sa Taiwan na kababalita pa lamang.
Xinyue H., edad 7, Taoyuan, Taiwan
Nasiyahan kaming manood ng pangkalahatang kumperensya nang sama-sama!
Fernando, Fabio, Liam, at Juan A., edad 12, 10, 4, at 7, Puebla, Mexico
Ang isang tanong na nasagot para sa akin ay, “Paano ako makapaghahandang pumunta sa templo?” Nalaman ko na kung magtatayo ako sa bato na si Jesucristo, magiging handa ako para sa templo.
Joshua R., edad 9, North Wales, Wales
Itinuro sa atin ni Sister Johnson na hayaang si Jesucristo ang pumili sa ating landas sa buhay. Aakayin at gagabayan Niya tayo. Ipinapaalala nito sa akin ang awiting “Ako ay Anak ng Diyos.”
Taylor M., edad 10, Utah, USA
Ang paborito kong mensahe sa kumperensya ay ang kay Pangulong Ballard. Gusto ko ang sinabi niya tungkol sa pagiging mabait sa iba.
Emily P., edad 10, California, USA
Masaya ako na maaari akong makinig sa kumperensya at mapapakinggan ko ang propeta ng Diyos. Gusto kong alalahanin ito araw-araw at gumawa ng mabubuting desisyon.
Mateo O., edad 9, Managua, Nicaragua