2022
Mga Aktibidad para sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Disyembre 2022


Mga Aktibidad para sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Para sa home evening, pag-aaral ng mga banal na kasulatan, o para lang sa paglilibang!

Paghahanap kay Jesus

Panel 1 SPOT 1: Hand folding a strip of paper and includes small origami stars. SPOT 2: A boy holding a backpack with rocks in it. SPOT 3: Boy and girl holding little cards and playing a matching game together. SPOT 4: Girl ringing a bell. Illustrations reference to a program that the kids can put on about symbols that represent Christ.

Para kina Nahum; Habakuk; at Sefanias

Kuwento: Itinuro ng propetang si Sefanias, “Hanapin ninyo ang Panginoon” (Sefanias 2:3). Maaari nating hanapin si Jesucristo tulad ng mga Pantas na sumunod sa bituin. Maaari tayong matuto tungkol sa Kanya at maglingkod sa iba. Matutulungan natin ang iba na hanapin din si Jesus!

Awitin “Hanapin si Cristo Habang Bata” (Aklat ng mga Awiting Pambata, 67)

Aktibidad: Basahin ang kuwento sa pahina 4. Pagkatapos ay pumunta sa pahina 38 at alamin kung paano gumawa ng bituing origami. Habang itinutupi ninyo ang inyong bituin, pag-usapan kung paano ninyo matutulungan ang iba na hanapin si Jesus.

Mga Bato ng Pagsisisi

Panel 2 SPOT 1: Hand folding a strip of paper and includes small origami stars. SPOT 2: A boy holding a backpack with rocks in it. SPOT 3: Boy and girl holding little cards and playing a matching game together. SPOT 4: Girl ringing a bell. Illustrations reference to a program that the kids can put on about symbols that represent Christ.

Para sa Hagai; Zacarias 1–3; 7–14

Kuwento: Sa isang pangitain, nakita ni Zacarias ang isang lalaking nakasuot ng maruming damit. Lumapit ang isang anghel sa lalaki at binigyan siya ng malinis na damit. (Tingnan sa Zacarias 3:3–5.) Ang pagsusuot ng malinis na damit ay maaaring magpaalala sa atin tungkol sa pagsisisi. Kapag nakakagawa tayo ng maling pagpili, maaari tayong magsisi at maging malinis na muli.

Awitin: “Sinisikap Kong Tularan si Jesus” (Aklat ng mga Awit Pambata, 40–41)

Aktibidad: Pag-usapan kung paano mapapagaan ng pagsisisi ang inyong pasanin. Pagkatapos ay gawin ang aktibidad sa pahina 12. Ano ang pakiramdam ninyo kapag nagsisisi kayo?

Mga Pagpapala ng Ikapu

Panel 3 SPOT 1: Hand folding a strip of paper and includes small origami stars. SPOT 2: A boy holding a backpack with rocks in it. SPOT 3: Boy and girl holding little cards and playing a matching game together. SPOT 4: Girl ringing a bell. Illustrations reference to a program that the kids can put on about symbols that represent Christ.

Para kay Malakias

Kuwento: Nangangako ang Ama sa Langit na kapag nagbayad tayo ng ikapu, Kanyang “bubuksan … ang mga bintana ng langit para pagpalain tayo (Malakias 3:10).

Awitin: “I Want to Give the Lord My Tenth” (Children’s Songbook, 150)

Aktibidad: Basahin ang kuwento sa pahina 22 kung bakit tayo nagbabayad ng ikapu. Pagkatapos ay gawin ang aktibidad sa pahina 17 nang magkakasama.

Pasasalamat sa Pagsilang ng Tagapagligtas

Panel 4 SPOT 1: Hand folding a strip of paper and includes small origami stars. SPOT 2: A boy holding a backpack with rocks in it. SPOT 3: Boy and girl holding little cards and playing a matching game together. SPOT 4: Girl ringing a bell. Illustrations reference to a program that the kids can put on about symbols that represent Christ.

Para sa Pasko

Kuwento: Maraming pangalang itinawag kay Jesus sa mga banal na kasulatan. Mababasa ninyo ang tungkol sa mga pangalang ito sa pahina 8 at pahina 26.

Awitin: “Doon sa May Sabsaban” (Aklat ng mga Awit Pambata, 26–27)

Aktibidad: Gawin ang Pamaskong programa sa pahina 24 para malaman kung paano maipapaalala sa atin ng mga simbolo ng Pasko si Jesucristo. Pumunta sa pahina 38 para sa iba pang mga ideya para magpasalamat sa pagsilang ni Jesus.

Mga larawang-guhit ni Katy Dockrill