Matulunging mga Kamay sa Iba’t Ibang Panig ng Mundo
Kilalanin si Jun Eui na Taga-Hong Kong
Kilalanin ang mga batang Primary na tumutulong sa iba, tulad ng ginawa ni Jesus.
Lahat ng tungkol kay Jun Eui
Edad: 11
Mula sa: Hong Kong, China
Mga Wika: English, Cantonese, Mandarin, Korean
Mga mithiin at pangarap: Maging piloto
Pamilya: Jun Eui, Ama, Ina, tatlong nakababatang kapatid na babae
Matulunging mga Kamay ni Jun Eui
Si Jun Eui ay nakatira sa isang malaking lunsod na puno ng matataas na gusali. Pero para kay Jun Eui, ang pinakamahalagang lugar sa Hong Kong ay ang tahanan ng kanyang pamilya. Kapag nangangailangan ng tulong ang iba, nagtitiyaga siya at nagsisikap na tulungan sila. Tinutulungan niya ang kanyang mga kapatid sa kanilang homework. Tinutulungan niya ang kanyang ina sa mga gawaing-bahay. Siya ay nagba-vacuum, naghuhugas ng mga pinggan, nagtutupi ng mga damit, at naglilinis ng mga kuwarto. “Kapag tinutulungan ko ang pamilya ko at kapag tinutulungan ko ang ibang mga tao, masaya ako, at nadarama ko ang Espiritu Santo,” sabi ni Jun Eui.
Mga Paborito ni Jun Eui
Lugar: Tahanan at bahay ni Lola sa South Korea
Kuwento tungkol kay Jesus: Nang tulungan Niya si Moises na hatiin ang Dagat na Pula
Awitin sa Primary: “Kapangyarihan ng Banal na Kasulatan” (ChurchofJesusChrist.org)
Pagkain: Spaghetti na may white cream sauce
Kulay: Berde
Mga subject sa paaralan: Mathematics, English