Hello mula sa Hong Kong!
Samahan sina Margo at Paolo habang nilalakbay nila ang mundo para malaman ang tungkol sa mga anak ng Ama sa Langit.
Ang Hong Kong ay isang lunsod at rehiyon ng China. Mga 7.5 milyong tao ang naninirahan doon.
Mga Miyembro ng Simbahan
Iba-iba ang relihiyon ng mga taong naninirahan sa Hong Kong. Kabilang na riyan ang mga 25,000 miyembro ng Simbahan. Nagsasanay ang mga batang ito para sa programa sa Primary.
Wika
Karamihan ng mga tao rito ay nagsasalita ng wikang Chinese na tinatawag na Cantonese. Sa Cantonese, ang ibig sabihin ng salita ay depende sa tono—gaano kataas o kababa ang mga tunog.
Dim Sum
Maraming maliliit na putahe ang pagkaing dim sum, tulad ng dumplings, bun, karne, kanin, at cake. Madalas itong kainin ng mga tao sa malalaking grupo.
Buhay sa Lunsod
Ang Hong Kong ay isang malaki at abalang lunsod na maraming tao at matataas na gusali. Mayroon itong mahigit 500 skyscraper—mas marami kaysa alinmang lunsod sa mundo!
Hong Kong China Temple
Ang templong ito ay may anim na palapag. Itinayo ito nang pataas sa halip na palapad dahil maliit ang espasyo sa lungsod.