Mga Kard tungkol sa mga Bayani sa Banal na Kasulatan
Gupitin ang mga kard, itupi sa tulduk-tuldok na linya, at pagdikitin ng teyp ang mga ito.
Daniel
“Siya’y nagtiwala sa kanyang Diyos.”
-
Tumanggi siyang kumain ng pagkaing labag sa mga kautusan.
-
Tinulungan niya ang hari na maunawaan ang isang panaginip. May bahagi roon na nangangahulugan na maririnig ng lahat ang ebanghelyo.
-
Inihagis siya sa yungib ng mga leon dahil nanalangin siya sa Diyos. Ngunit iniligtas siya ng Diyos!
Shadrac, Meshac, at Abednego
“[Iniligtas ng Diyos] ang kanyang mga lingkod na nagtiwala sa kanya.”
-
Sila ay mga kaibigan ni Daniel.
-
Sinabihan sila ng hari na manalangin sa isang rebulto. Ngunit sa Diyos lamang sila nanalangin.
-
Inihagis sila ng hari sa apoy. Ngunit hindi sila sinunog ng apoy! Pinrotektahan sila ng isang makalangit na nilalang.