Matt at Mandy
Nakatanggap ng Christmas card sina Matt at Mandy mula sa mga kaibigan nilang sina Margo at Paolo.
“Mahal naming Matt at Mandy, alam ba ninyo? Nakatira na ulit kami sa Brazil!”
“Mami-miss namin ang paglalakbay sa buong mundo, pero masaya kaming makauwing muli. At nangangako kaming ikukuwento ang lahat ng pakikipagsapalaran namin. Maligayang Pasko!”
Sabik na akong makabalita tungkol sa Brazil!
Oy, tingnan mo, may iba pa pala rito.
Isang parrot?
May maikling sulat sa likod—“Hello raw, sabi ng bagong alaga naming si Kiwi!” Ang galing!
Parang maraming masasayang bagay na maibabahagi sina Margo at Paolo! Nagpapasalamat kami sa mga kaibigang katulad nila—at sa inyo.
At nagpapasalamat kami lalo na kay Jesucristo, ang pinakamagandang uri ng Kaibigan sa ating lahat!
Maligayang Pasko sa lahat!
Ang nagmamahal ninyong mga kaibigan, Matt at Mandy