Masasayang Bagay
Pagaanin ang Inyong Pasanin
Ang pagkakasala ay kapag pinipili nating hindi sundin ang mga utos ng Diyos. Para itong isang mabigat na pasanin. Kapag nagsisisi tayo at sumusunod kay Jesucristo, pinapawi Niya ang bigat ng ating kasalanan.
-
Maghanap ng isang bag o backpack at ilang mabibigat na bagay, tulad ng mga bato o mga pagkaing de-lata.
-
Gupitin ang mga label sa ibaba. Ikabit ang bawat isa sa isang lata o bato.
-
Basahin ang bawat label, pagkatapos ay ilagay sa bag ang lata o bato. Ipasa-pasa ang bag sa paligid para maramdaman ng lahat ang bigat nito.
-
Maghalinhinan sa pag-aalis ng isang bagay mula sa bag. Kapag turno mo na, sabihin kung ano ang puwedeng gawin ng isang tao para magsisi o sumunod kay Jesus. (Maaari mong tingnan ang listahan sa ibaba para sa ilang ideya!)
-
Kapag wala nang laman ang bag, ipasa-pasa itong muli sa paligid para maramdaman ng lahat kung gaano ito kagaan. Ano ang pakiramdam mo kapag nagsisisi ka?