Workshop sa Pasko
Narito ang ilang espesyal na regalong magagawa ninyo sa Paskong ito!
Mga Champurrada
Ang cookies na ito ay mula sa Guatemala! Narito ang isang resipeng maaari mong subukan sa bahay.
3 1/2 tasang harina
2 kutsarang baking powder
1 kurot na asin
1 tasang butter, pinalambot
1 tasang asukal
3 itlog
sesame seeds (opsyonal)
-
Paghaluin ang harina, baking powder, at asin.
-
Sa ibang mangkok, paghaluin ang butter at asukal. Ihalo ang mga itlog nang paisa-isa.
-
Idagdag ang hinalong harina sa hinalong butter. Haluin hanggang sa magsama-sama. Pagkatapos ay takpan at palamigin sa loob ng 30 minuto.
-
Masahin at bilugin, pagkatapos ay diinan para mag-flat ang mga ito. Kung gusto mong magdagdag ng sesame seeds, pahiran ng binating itlog ang ibabaw ng bawat cookie at budburan ng sesame seeds sa ibabaw.
-
I-bake sa 350°F (180°C) sa loob ng 20 minuto o hanggang magkulay brown ang mga gilid.
Mga Mumunting Bituing Origami
-
Gumupit ng mga piraso ng papel, mga 8 1/2 pulgada (21.5 cm) ang haba at 1/2 pulgada (1 cm) ang lapad.
-
Itali na parang ribbon ang isang dulo ng piraso ng papel.
-
Ipasok ang dulo ng papel sa loop, na parang buhol. Hilahin nang mahigpit, pero ingatan upang hindi mapunit ang papel.
-
Diinan ang buhol para maging flat at ipasok ang maliit na dulo sa isa sa mga tupi.
-
Magkakaroon ng limang gilid ang buhol.
-
Ngayo’y ibalot ang natitirang papel sa paligid ng hugis. Dapat ay madali itong itupi sa tamang direksyon.
-
Ipasok ang pinakadulo ng papel sa isa sa mga tupi.
-
Maingat na pisilin ang bawat panig para lumitaw ang bituin. Patuloy na gumawa ng maraming bituin hangga’t gusto mo!
Puwede mong punuin ng mga bituing ito ang isang bag o garapon at dagdagan ng magandang mensahe para pasayahin ang isang tao!
Paper-Plate Nativity
Gumawa ng sarili mong Nativity gamit ang mga paper plate! Ito ang mga tagubilin para kay Maria at sa sanggol na si Jesus. Pagkatapos ay gumawa ng Jose, mga anghel, mga pastol, at mga Pantas na Lalaki!
-
Itupi ang isang panig ng paper plate sa isang anggulo.
-
Itupi ang kabilang panig sa kaparehong anggulo para magmukhang triangle ang plato.
-
Gupitin nang pabilog ang isang papel para magsilbing ulo. Magdrowing ng mukha sa bilog.
-
Iteyp, idikit, o i-staple ang ulo sa lugar sa itaas ng triangle.