Tithing Pie
Narito si Bishop Romney para magsalita sa atin tungkol sa ikapu.
Sino ang nakakaalam kung ano ang ikapu?
Ito ay perang ibinibigay natin sa Ama sa Langit!
Tama! Ibinabahagi natin sa Ama sa Langit ang 10 porsiyento ng natatanggap natin.
Bakit natin kailangang ipamigay ang pera natin?
Ang pera ng ikapu ay ginagamit para sa maraming bagay, tulad ng pagtatayo ng mga simbahan at templo at pagtulong sa mga missionary.
Kung tila mahirap ipamigay ang pera mo, maaaring makatulong ito. Kunwari ay peach pie ito. Sino ang may gusto ng pie?
Ako po! Ako po!
OK. Ibibigay ko sa iyo ang buong pie! Ngayon, puwede bang ibalik mo sa akin ang isang hiwa nito?
Sige po! Kayo ang nagbigay sa akin ng pie.
Parang ikapu ang hiwang ito ng pie. Ibinibigay sa atin ng Ama sa Langit ang lahat ng mayroon tayo. Hinihiling lang Niya na ibalik natin ang isang hiwa sa Kanya.
Nang sumunod na Linggo …
Ito ba ang iyong ikapu, Maya?
Opo. Ibinigay sa akin ng Ama sa Langit ang lahat ng mayroon ako, kaya ibinibigay ko sa Kanya ang isang hiwa ng pie ko!