2022
Nalaman ni Chieko ang Tungkol kay Jesus
Disyembre 2022


Mga Pioneer sa Bawat Lupain

Nalaman ni Chieko ang Tungkol kay Jesus

May nadamang espesyal si Chieko sa kanyang kalooban.

1. Map of Hawaii 2. The two temples show in the layout 3. Yellow Hibiscus 4. Chieko’s family. Chieko, husband and two sons. 5. Chieko as a teacher 6. Chieko speaking from pulpit as a church leader. 7. Illustration of Chieko as a child, dressed as an angel. 8. Church group putting on a nativity play. 9. Baby Jesus in a manger.

Inayos ni Chieko ang kanyang malambot na puting damit. Siya ang anghel sa dula-dulaan sa Pasko tungkol sa Nativity, at magsisimula na ang palabas.

Walang gaanong alam si Chieko tungkol sa Pasko o kay Jesus. Nagpunta ang kanyang pamilya sa Hawaii mula sa Japan, at Buddhist sila. Pero hinilingan siya ng boss ng kanyang ama na sumali sa dula, at natuwa siyang makabahagi roon. Sinikap niyang matutuhan ang mga salita.

“Huwag kayong matakot,” sabi ni Chieko habang nakatayo siya sa entablado. “Sapagkat ipinanganak sa inyo ngayon sa lunsod ni David ang isang Tagapagligtas, na siya ang Cristo, ang Panginoon.” Gustung-gusto niyang makasama sa dula-dulaang ito.

Makalipas ang ilang taon, nakakilala ni Chieko ang ilang missionary. Nagmula sila sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. “Gusto mo bang magsimba para malaman pa ang iba tungkol kay Jesucristo?” tanong nila.

Naalala ni Chieko ang papel niya sa dula-dulaan sa Pasko. Sino si Jesus? naisip niya. Gusto niyang malaman pa ang iba.

Pagkauwi niya, tinanong ni Chieko ang mga magulang niya kung puwede siyang magsimba na kasama ng mga missionary. “Bakit naman hindi,” sabi ni Mama. “Basta’t pupunta ka pa rin sa Buddhist temple na kasama namin.”

Sa simbahan, natuto si Chieko ng mga bagong awitin at nagkaroon ng mga bagong kaibigan. Sa Sunday School, nalaman niya na si Jesucristo ang Anak ng Diyos. Dahil sa Kanya, maaari siyang magsisi at muling makapiling ang Diyos balang-araw. May nadamang espesyal si Chieko sa kanyang kalooban. Alam niya na totoo si Jesus.

Lumipas ang mga taon. Bawat linggo, nagpunta si Chieko sa Buddhist temple kasama ang kanyang pamilya. At tuwing Linggo, nagsisimba siya.

Noong 15 anyos na siya, ginusto ni Chieko na magpabinyag. Medyo natakot siyang magpaalam sa mga magulang niya. Pero sinuportahan nila siya. “Alam namin na maaari kang maging mabuting anak at mabuting Kristiyano rin,” sabi ni Papa. Masayang-masaya si Chieko!

Habang lumalaki siya, patuloy na sinunod ni Chieko si Jesus. Kung minsa’y hindi mabait sa kanya ang mga tao dahil Japanese siya. Pero hindi hinayaan ni Chieko na maging hadlang iyon sa kanya. Tinrato niya ang lahat nang may kabaitan.

Noong 63 anyos na siya, tinawag si Chieko na maglingkod bilang bahagi ng Relief Society General Presidency. Binisita niya ang mga miyembro ng Simbahan sa buong mundo. Ibinahagi niya ang pagmamahal ng Tagapagligtas.

Nagsalita rin si Chieko sa pangkalahatang kumperensya. “Lumapit tayo kay Cristo,” sabi niya. “Magalak tayo sa Kanya, ang tagapagbigay ng lahat ng mabuting bagay.”*

Ang Hawaii ay isang grupo ng mga isla sa Pacific Ocean. Bahagi ito ng USA.

May dalawang templo sa Hawaii.

Ang bulaklak ng estado ng Hawaii ay ang dilaw na gumamela.

Sila ng asawa niyang si Edward ay may dalawang anak na lalaki.

Isa siyang guro at punong-guro sa paaralan.

Sa kanyang paglilingkod sa Simbahan, nagbigay siya ng mga mensahe sa English, Japanese, Korean, Tongan, at Spanish.

Page from the December 2022 Friend Magazine.

Mga larawang-guhit ni Carolina Farías