Ang Bagong Guro
Nagustuhan ni Anna ang pagdalo sa Sunbeam class. Nagustuhan niya ang kanyang mga guro, sina Brother at Sister Lee. Nagustuhan niya ang mga aral tungkol kay Jesus. Nagustuhan niyang malaman ang mga titik sa mga awitin.
Pero ngayo’y wala na siya sa Sunbeam class. Ngayo’y papasok na siya sa bagong Primary class. Magkakaroon siya ng mga bagong guro. Uupo siya sa isang bagong hanay sa oras ng pagkanta. Magkakaroon siya ng bagong classroom.
Kinabahan si Anna. Gusto niyang maupo sa tabi ni Sister Lee. Sinikap niyang huwag umiyak nang maglakad siya papasok sa Primary room.
Nginitian siya ng isa sa mga bago niyang guro. “Hi, ako si Sister Ball. Ano’ng pangalan mo?”
“Ako po si Anna,” sabi ni Anna.
Tinapik ni Sister Ball ang upuan sa tabi niya. “Gusto mo bang tumabi sa akin? Ito ang unang araw ko sa Primary.”
Umupo si Anna sa tabi ni Sister Ball. “Matutulungan po kita. Alam ko po ang lahat ng awitin!”
“Salamat,” sabi ni Sister Ball. “Malaking tulong ’yon.”
Hindi nagtagal, pumasok ang kaibigan niyang si Beth. Noong nakaraang taon nasa Sunbeam class sila ni Anna. Naupo si Beth sa tabi ni Anna.
“Ito po si Beth,” sabi ni Anna kay Sister Ball.
Ngumiti si Anna. Gustung-gusto naman pala niya ang bagong Primary class niya!