Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Ang Maraming Pangalan ni Jesus
Maraming propeta ang nagturo tungkol kay Jesucristo. Sinabi nila na isisilang Siya upang ipakita sa atin kung paano mamuhay. Gumamit sila ng maraming pangalan para magturo tungkol sa Kanya.
Kung minsan sa mga banal na kasulatan tinatawag si Jesus na Emmanuel. Ang ibig sabihin ng pangalang iyan ay “ang Diyos ay kasama natin.”
Ang isa pang pangalan para kay Jesus ay Prinsipe ng Kapayapaan. Kapag tayo ay natatakot o nababalisa, matutulungan Niya tayong makadama ng kapayapaan sa pamamagitan ng Espiritu Santo.
Tinatawag din si Jesus na Mesiyas. Ang ibig sabihin ng Mesiyas ay “ang hinirang.” Si Jesus ay namatay para sa atin upang muli nating makapiling ang Diyos.
Si Jesucristo ang ating Tagapagligtas. Inliligtas Niya tayo mula sa ating mga kasalanan at sa kamatayan.
Mahal ko si Jesucristo. Maaari kong malaman ang tungkol sa Kanyang buhay at pagmamahal sa mga banal na kasulatan.