2022
Paglilingkod sa Araw ng Pasko
Disyembre 2022


Isinulat Mo

Paglilingkod sa Araw ng Pasko

A group of children place food and other items in bags as part of a service project.

Dumalo ako sa isang aktibidad sa Pasko sa aming ward. Taun-taon ay gumagawa kami ng mga regalong ibibigay sa mga tao na medyo hikahos. Talagang natutuwa akong gawin ang aktibidad na ito. Itinuro sa atin ni Jesucristo na mahalin ang ating kapwa tulad ng pagmamahal natin sa ating sarili. Nais Niyang tulungan natin ang ibang nangangailangan. Pakiramdam ko mas nailapit ako ng aktibidad na ito sa Diyos at nakatulong ito sa akin na madama ang pagmamahal ng Diyos para sa Kanyang mga anak sa lupa. Gusto ng Diyos na mahalin natin ang isa’t isa.

Gustung-gusto ko ang pagsisimba. Natutuhan ko ang ebanghelyo at alam ko ang nais ipagawa sa akin ng Ama sa Langit. Nais Niyang sumunod ako sa Kanya at maging mas mabuting tao.

Larawang-guhit ni Nikki Boetger