“Si Jesucristo ay Buhay,” Kaibigan, Marso 2024, 2–3.
Mula sa Unang Panguluhan
Si Jesucristo ay Buhay
Hango mula sa “Mapasainyo ang Kanyang Espiritu,” Liahona, Mayo 2018, 86–89; at “Siya ay Nagbangon,” Liahona, Abr. 2013, 4–5.
Ang panahong ito ng taon ay tumutulong sa atin na maalaala ang sakripisyo ng Tagapagligtas at ang Kanyang pagbangon mula sa libingan.
Minsan ay naroon akong nakatayo kasama ang aking asawa sa labas ng isang libingan sa Jerusalem. Sa loob, nakakita kami ng isang batong upuan sa may dingding.
Pero isa pang larawan ang pumasok sa aking isipan. Naisip ko si Maria sa libingang walang-laman. Umiiyak siya dahil namatay ang Tagapagligtas. Hindi niya alam kung nasaan ang Kanyang katawan.
Pagkatapos “siya’y lumingon, at nakitang nakatayo si Jesus, [at] hindi niya alam na iyon ay si Jesus” (Juan 20:14). Inakala ni Maria na Siya ang hardinero.
“Sinabi sa kaniya ni Jesus, Maria” (Juan 20:16). Ngayo’y kilala na Siya ni Maria. Alam ni Maria na Siya ay nabuhay na mag-uli.
Dahil nadaig ni Jesucristo ang kamatayan, lahat ng mga anak ng Ama sa Langit ay mabubuhay na mag-uli sa isang katawang hindi na mamamatay.
Nagpapasalamat ako sa ating Ama sa Langit sa pagkakaloob sa Kanyang Pinakamamahal na Anak. Nagpapasalamat akong malaman na Siya ay nagbayad-sala para sa ating mga kasalanan at nagbangon sa Pagkabuhay na Mag-uli. Pinatototohanan ko na si Jesus ang nagbangong Cristo, ang ating Tagapagligtas, at ang ating perpektong halimbawa.
Easter Story Wheel
Gupitin ang mga bilog at ilagay ang unang bilog sa ibabaw ng isa pang bilog. Butasan ito sa gitna at lagyan ito ng pin o metal brad para hindi gumalaw. Pagkatapos ay paikutin ang bilog na nasa pinakaitaas para ikuwento ang Pasko ng Pagkabuhay.
Ang Kuwento ng Pasko ng Pagkabuhay
-
Pumunta si Jesus sa Jerusalem sa Linggo ng Palaspas (tingnan sa Marcos 11:7–11).
-
Ibinigay ni Jesus sa Kanyang mga disipulo ang sakramento (tingnan sa Mateo 26:26–28).
-
Nanalangin si Jesus sa Halamanan ng Getsemani (tingnan sa Marcos 14:32–36).
-
Namatay si Jesus sa krus para sa atin (tingnan sa Lucas 23:46).
-
Nakahimlay ang Kanyang katawan sa isang libingan sa loob ng tatlong araw (tingnan sa Mateo 27:59–64).
-
Muling nabuhay si Jesus. At buhay Siya ngayon. (Tingnan sa Mateo 28:6–9.)