“Pagsunod kay Jesus sa Papua New Guinea,” Kaibigan, Marso 2024, 6–7.
Pagsunod kay Jesus sa Papua New Guinea
Tungkol kay Erwin
Edad: 7
Mula sa: Central Province, Papua New Guinea
Mga Wika: English at Tok Pisin
Mga Mithiin: 1) Magpalipad ng eroplano. 2) Maging missionary.
Mga Libangan: Pagsasayaw at pangingisda
Pamilya: Inay, Itay, tatlong kuya, at isang ate
Paano Sinusunod ni Erwin si Jesus
Sinusunod ni Erwin si Jesus sa pamamagitan ng pagtulong sa matatanda sa kanyang bayan. Tumutulong siyang linisin ang kanilang bakuran at dinadalhan niya sila ng pagkain. “Masaya ako kapag tinutulungan ko sila. Gusto ko pang makatulong,” sabi niya.
Sinusunod din ni Erwin si Jesus sa pamamagitan ng pagdarasal sa Ama sa Langit. “Kapag nagdarasal ako, pakiramdam ko ay kasama ko si Jesus,” sabi niya.
Ipinagdasal ni Erwin sa Ama sa Langit na tulungan ang kanyang pamilya na magkasama-sama magpakailanman. Nagpunta si Erwin at ang kanyang pamilya sa templo sa Tonga para mabuklod bilang isang pamilya. Sabi niya, “Nadama ko ang Espiritu sa loob ng templo. Napakapayapa at tahimik doon.”
Mga Paborito ni Erwin
Kuwento sa Aklat ni Mormon: Nang gumawa si Nephi ng sasakyang-dagat (tingnan sa 1 Nephi 17–18)
Tradisyon ng pamilya: Pagtitipon ng buong pamilya sa nayon para sama-samang kumain
Prutas: Mansanas
Kulay: Pula
Awit sa Primary: “Ako ay Anak ng Diyos,” (Aklat ng mga Awit Pambata, 2)