“Hello mula sa Papua New Guinea!” Kaibigan, Marso 2024, 8–9.
Hello mula sa Papua New Guinea!
Alamin ang tungkol sa mga anak ng Ama sa Langit sa buong mundo.
Ang Papua New Guinea ay isang bansang isla sa Pacific Ocean. Saklaw nito ang kalahati ng isla ng New Guinea. Mahigit 8 milyong tao ang naninirahan doon!
Mga Wika
Mas maraming wika sa Papua New Guinea kaysa alinmang bansa sa mundo—mga 840 wika!
Mga chapel
Madalas magkaroon ng mga baha sa Papua New Guinea. Kaya nakapatong sa mga stilt ang mga gusali ng simbahan doon. Pagdating ng baha, maaaring sagwanin ng mga miyembro ang kanilang bangka hanggang pintuan!
Mga Ibon sa Gubat
Ang mga bird of paradise ay mahiyaing mga ibon sa gubat. Napakaganda at napakamakulay ng mga pakpak ng mga lalaking ibon. Ang Raggiana bird of paradise ay nasa bandila ng bansa.
Mga Pagtitipon para Magkantahan
Nagtitipon ang mga tribo sa Papua New Guinea para magkantahan, magsayawan, magbahagi ng mga tradisyon, at makipagkaibigan. Mahigit 100 tribo ang sumasali sa pinakamalaking kantahan sa bawat taon!