“Ano ang Pasko ng Pagkabuhay?” Kaibigan, Marso 2024, 46–47.
Mga Pangunahing Aral ng Ebanghelyo
Ano ang Pasko ng Pagkabuhay?
Ang Pasko ng Pagkabuhay ay isang espesyal na panahon para isipin si Jesucristo.
Sa Pasko ng Pagkabuhay, naaalala natin na alam ni Jesus ang nadarama natin. Nadama Niya ang ating pasakit at kalungkutan.
Namatay si Jesus sa krus dahil mahal Niya tayo. Inihimlay ang Kanyang katawan sa isang libingan.
Pagkaraan ng tatlong araw, walang-laman ang libingan. Muling nabuhay si Jesus! Tinatawag natin itong Pagkabuhay na Mag-uli.
Dahil kay Jesus, lahat tayo ay mabubuhay na muli pagkatapos nating mamatay. Maaari nating madama ang pagmamahal ng Ama sa Langit at ni Jesus araw-araw, hindi lamang sa Pasko ng Pagkabuhay!