Kaibigan
Isang Pakikipag-chat kay Will tungkol sa Pagtulong sa mga Refugee
Marso 2024


“Isang Pakikipag-chat kay Will tungkol sa Pagtulong sa mga Refugee,” Kaibigan, Marso 2024, 40–41.

Isang Pakikipag-chat kay Will tungkol sa Pagtulong sa mga Refugee

Si Will ay mula sa Pennsylvania, USA. Tinanong namin siya ng ilang bagay tungkol sa isang proyektong ginawa niya para tulungan ang iba.

Magkuwento sa amin tungkol sa iyong sarili.

alt text
alt text

Ako ay 11 taong gulang. Mahilig akong maglaro ng soccer at lacrosse, mag-bake ng cookies, lumangoy, mag-ski, at mag-roller-skate. Tumutugtog din ako ng piyano at biyolin. Ang paborito kong kulay ay navy blue, at ang paborito kong pagkain ay itlog (scrambled, prito, nilaga—gusto kong lahat ito!). Paglaki ko, gusto kong maging doktor tulad ng tatay ko.

Ano ang nagbigay sa iyo ng ideya para tumulong?

Narinig ko na maraming pamilya mula sa ibang bansa ang tumatakas para sa kanilang kaligtasan. Ang ilan sa kanila ay lumilipat sa isang lugar sa malapit. Agad kong naisip, “Paano ko sila matutulungan?”

Nagdasal ako para malaman kung paano ako makakatulong. Pagkatapos ay nakatanggap ng email si inay mula sa stake Relief Society. Hinihiling nila sa mga tao na mag-donate ng mga bagay na ibibigay sa mga pamilyang refugee. Nalaman ko na sinagot ang aking dalangin!

Paano ka tumulong?

alt text

Mahilig akong mag-bake (magaling ako sa paggawa ng cookies) kaya nagpasiya akong magbenta ng cookies para kumita ng pera para sa mga pamilyang ito. Gumawa ako ng mga flier at nag-roller skates ako sa paligid namin para ihatid ang mga iyon. Dumating din ang aso kong si Coco.

Marami sa mga kapitbahay ko ang nasabik na bumili ng cookies ko. Sa perang kinita ko, bumili ako ng mga kaldero at kawali para i-donate.

Ano ang naramdaman mo?

alt text
alt text

Maganda ang pakiramdam ko batid na makakapagluto na ang mga pamilyang ito gamit ang mga kaldero at kawali. Para kong nakikita kung gaano kasarap ang pagkaing lutong-bahay kapag nasa isang bagong bansa ka.

Nalaman ko sa Primary na “kung kayo ay nasa paglilingkod ng inyong kapwa-tao, kayo ay nasa paglilingkod lamang ng inyong Diyos” (Mosias 2:17). Nadama ko ang pagmamahal ng Ama sa Langit para sa akin at sa mga taong lumilipat sa aming lugar.

Ano ang maipapayo mo sa isang taong gustong tumulong?

alt text

Humanap ng mga paraan para makapaglingkod sa inyong ward o stake. Maaari ka ring tumulong sa isang lokal na bahay-kalinga sa inyong lugar. May mga paraan para makatulong sa buong paligid!

PDF ng Kuwento

Mga larawang-guhit ni Dave Williams