“Mga Aktibidad para sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin,” Kaibigan, Marso 2024, 28–29.
Mga Aktibidad para sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Para sa home evening o pag-aaral ng mga banal na kasulatan—o para lang sa paglilibang!
Pebrero 26–Marso 3
Mga Templong Papel
Para sa 2 Nephi 11–19
Itinuro ni Isaias na ang mga templo ay mga espesyal na lugar kung saan tayo natututo tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo (tingnan sa 2 Nephi 12:3). Gumawa ng sarili mong templo! Itupi sa tatlo ang isang pirasong papel. Gupitin nang patatsulok ang isang dulo. Iladlad ang papel at idrowing ang sarili mo sa gitna.
Marso 4–10
Pag-awit ng mga Patotoo
Para sa 2 Nephi 20–25
Ibinahagi ni Isaias ang kanyang patotoo tungkol kay Jesucristo. Sinabi niya na si Jesus ang kanyang lakas at kanyang awit (tingnan sa 2 Nephi 22:2). Anong mga awitin tungkol kay Jesus ang gusto mo? Sabihin kung bakit gustung-gusto mo ang mga ito. Pagkatapos ay sama-sama ninyong kantahin ang mga ito!
Marso 11–17
Taludtod sa Taludtod na Oras ng Pagkukuwento
Para sa 2 Nephi 26–30
Tinutulungan tayo ng Ama sa Langit na matuto nang “taludtod sa taludtod,” o nang paunti-unti (2 Nephi 28:30). Magkakasama, isalaysay ang isang paboritong kuwento sa banal na kasulatan sa paisa-isang linya! Maghalinhinan ang lahat sa pagsasabi ng isang pangungusap sa kuwento hanggang sa matapos ang kuwento.
Marso 18–24
Mga Hakbang sa Pagsunod kay Jesus
Para sa 2 Nephi 31–33
Itinuro ni Nephi na sinusunod natin si Jesucristo kapag tayo ay sumasampalataya sa Kanya, nagsisisi, nabinyagan, tumatanggap ng kaloob na Espiritu Santo, at nananatiling tapat hanggang wakas (tingnan sa 2 Nephi 31). Isulat ang bawat hakbang sa ibang piraso ng papel, pagkatapos ay ikalat ang mga ito sa sahig. Pipikit ang isang tao at bibilang hanggang 10 habang nakatuntong ang lahat ng iba pa sa isang papel. Pagkatapos ay sasabihin ng taong bumilang ang isa sa mga hakbang sa pagsunod kay Jesus. Ang taong nakatuntong sa papel na iyon ang susunod na magbibilang.
Marso 25–31
Mga Easter Lily
Para sa Pasko ng Pagkabuhay
Dahil kay Jesucristo, mabubuhay tayong muli pagkatapos nating mamatay (tingnan sa Alma 40:22–25). Gawin ang Easter lilies craft sa pahina 17. Ilagay ang inyong mga lily kung saan makikita ng inyong pamilya ang mga iyon para tulungan kayong maalala ang Tagapagligtas sa linggong ito.
Mga larawang-guhit ni Katy Dockrill