Kaibigan
Mas Maraming Oras sa Piling ni Max
Marso 2024


“Mas Maraming Oras sa Piling ni Max,” Kaibigan, Marso 2024, 42.

Isinulat Mo

Mas Maraming Oras sa Piling ni Max

Minsa’y nagkamping kami ng pamilya ko, ilang kaibigan, at ng aso kong si Max sa tabing-dagat. Lumangoy kami at maghapong naglaro. Pagkatapos ay nanood kami ng fireworks o mga paputok nang dumilim na. Tuwang-tuwa kaming lahat.

Nang matapos ang fireworks, hinanap ko si Max. Pero nawawala siya! Nataranta ako at sumigaw na nawawala si Max. Habang tumutulo ang luha ko, naghanap kaming lahat sa kanya sa kakahuyan. Nakadama ako ng munting tinig na nagsasabi sa akin na magdasal, kaya nagdasal ako. Pero nanlalata ang buong katawan ko na parang noodles, at natakot ako para kay Max.

Hindi namin siya nakita, kaya naglakad kami pabalik sa tolda namin. Panay ang dasal ko sa aking isipan, pero nagsimula akong mawalan ng pag-asa. Umiyak ako hanggang sa makatulog.

Pagkaraan ng ilang oras, ginising ako ng mga magulang ko. Nakaupo si Max sa tabi ko! Narinig ng mga magulang ko ang tunog ng kolyar ni Max sa labas ng tolda namin. Mahigpit ko siyang niyakap at tahimik akong nagpasalamat sa Diyos sa pagsagot sa aking mga dalangin.

alt text

Makalipas ang tatlong taon, napinsala ang likod ni Max at matindi ang naramdaman nitong sakit. Hindi siya mapagaling, kaya kinailangan naming magpaalam. Inalo ako at pinayapa ng Ama sa Langit. Ipinaalala sa akin ng Espiritu Santo na muntik nang mawala sa amin si Max tatlong taon na ang nakalilipas, pero tinulungan kami ng Diyos na mahanap siya. Nagpapasalamat ako na binigyan Niya kami ng marami pang oras para mahalin si Max.

Alam ko na sinasagot ng Diyos ang mga dalangin at nagbibigay Siya ng kapanatagan sa mga pagsubok. Ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo ay para sa lahat. Lubos akong nagpapasalamat sa ginawa ni Jesucristo at ng Ama sa Langit para sa amin ng aking pamilya.

PDF ng Kuwento

Larawang-guhit ni Camarie Brunson