“Nakita nina Jacob at Nephi si Jesus,” Kaibigan, Marso 2024, 26–27.
Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Nakita nina Jacob at Nephi si Jesus
Mga larawang-guhit ni Andrew Bosley
Si Jacob ay nakababatang kapatid ni Nephi. Isinilang siya matapos lisanin ng kanilang pamilya ang Jerusalem. Bata pa si Jacob nang dumating sa lupang pangako.
Nakita kapwa nina Jacob at Nephi si Jesucristo. Ibinahagi nila ang kanilang patotoo sa kanilang pamilya para ipaalam sa kanila ang tungkol kay Jesus.
Ibinahagi rin nila ang mga salita ng propetang si Isaias. Nakita rin ni Isaias si Jesus at isinulat ang tungkol sa Kanya sa mga banal na kasulatan. Ginamit nina Jacob at Nephi ang mga salita ni Isaias mula sa mga banal na kasulatan para ituro sa kanilang mga pamilya ang tungkol kay Jesus.
Itinuro din ni Isaias na paparito si Jesus sa lupa. Siya ay mamamatay at mabubuhay na muli. Ibinahagi nila ang kanilang patotoo tungkol kay Jesucristo upang asamin ng kanilang mga pamilya ang Kanyang pagparito.