Kaibigan
Ano ang Nasa Isip Mo?
Marso 2024


“Ano ang Nasa Isip Mo?” Kaibigan, Marso 2024, 38.

Bahagi para sa Mas Nakatatandang mga Bata

Ano ang Nasa Isip Mo?

Bakit napakahalaga kung ano ang pinanonood o pinakikinggan ko? Hindi naman ito nakakasakit sa sinuman.

—Harmless sa Helsinki

PDF ng Kuwento

Larawang-guhit ni Shawna J. C. Tenney

Mahal kong Harmless,

Lahat ng pinanonood o pinakikinggan mo ay nakakaapekto sa iyong pag-iisip, pagdama, at pagkilos. At nakakaapekto iyan sa taong kahihinatnan mo.

Para maging napakabuti ng iyong pagkatao, panoorin at pakinggan ang pinakamabubuting bagay. Tinuturuan tayong hangarin ang mga bagay na “marangal, kaaya-aya, o magandang balita o maipagkakapuri” (Mga Saligan ng Pananampalataya 1:13). At maaari nating malaman na mabuti ang isang bagay kung nagiging dahilan ito para gustuhin nating gumawa ng mabuti at “maniwala kay Cristo” (Moroni 7:16). Ang pinanonood o pinakikinggan mo ay napakahalaga dahil napakahalaga mo.

Nagmamahal,

Ang Kaibigan

Checklist ng Mabuting Media

Gamitin ang checklist na ito para matiyak na magagandang media lamang ang ipinapasok mo sa iyong kamangha-manghang utak!

  • Pinasisigla at pinagaganda nito ang pakiramdam ko.

  • Tinuturuan ako nito ng mabubuting bagay.

  • Tinutulungan ako nitong gustuhin na sundin ang mga utos ng Diyos.

  • Hinihikayat ako nitong gumawa ng mabubuting bagay.

  • Magalang ito at tugma sa mga pamantayan ng aking pamilya.