“Ano ang Temple Recommend?” Kaibigan, Marso 2024, 22.
Mga Temple Card
Ano ang Temple Recommend?
Mga larawang-guhit ni Rachel Erickson
Sa taon na magiging 12 anyos ka, maaari kang magpainterbyu sa iyong bishop o branch president para sa temple recommend. Kung pareho ninyong nadarama na handa at karapat-dapat ka na, bibigyan ka niya ng temple recommend. Ipinapakita ng papel na ito na karapat-dapat kang pumasok sa templo.
Port Moresby Papua New Guinea Temple
-
Ito ang magiging unang templo sa Papua New Guinea.
-
Hangga’t hindi ito nagbubukas, kailangang sumakay ng eroplano ang mga miyembro para bumisita sa isang templo sa malayo.
-
Tuwang-tuwa ang mga tao sa Papua New Guinea nang ibalita ang pagtatayo ng templo.
Montevideo Uruguay Temple
-
Ito ang unang templong itinayo sa Uruguay.
-
Ito ang unang templong inilaan pagkaraan ng taong 2000.
-
Mahigit 24,000 tao ang bumisita sa open house ng templo!