Kaibigan
Sino si Isaias?
Marso 2024


“Sino si Isaias?” Kaibigan, Marso 2024, 24–25.

Alamin ang tungkol sa Aklat ni Mormon

Sino si Isaias?

Sa Aklat ni Mormon, mababasa natin ang mga salita ng isang lalaking nagngangalang Isaias. Si Isaias ay isang propeta sa Lumang Tipan. Nabuhay siya bago pa isinilang si Jesucristo.

alt text

Nagturo si Isaias tungkol sa buhay ni Jesucristo. Sinabi niya na si Jesus ay maghahatid ng kapayapaan sa mundo. Itinuro niya na si Jesus ay mamamatay, mabubuhay na mag-uli, at muling babalik sa lupa balang-araw.

alt text

Makalipas ang daan-daang taon, isinulat ni Nephi ang mga salita ni Isaias sa Aklat ni Mormon para turuan tayo tungkol kay Jesucristo. Nang bisitahin ni Jesus ang mga Nephita, ibinahagi Niya ang mga salita ni Isaias. Pinakiusapan Niya tayong pag-aralan ang mga ito. Kapag pinag-aralan natin ang mga salita ni Isaias, madarama natin ang pagmamahal ng Tagapagligtas at mas mapapalapit tayo sa Kanya.

Hamon sa Banal na Kasulatan

  • Basahin ang 2 Nephi 19:6. Ilang pangalan para kay Jesus ang nasa talatang ito?

  • Anong hayop ang lumitaw para ipakita na naroon ang Espiritu Santo sa binyag ng Tagapagligtas? Hint: 2 Nephi 31:8

  • Sino ang mabubuhay na mag-uli? Hint: Alma 11:44

Maaari Kong Basahin ang Aklat ni Mormon!

Pagkatapos mong magbasa, kulayan ang isang bahagi ng larawan. Maaari mong basahin ang mga talatang ito na nauugnay sa babasahin sa bawat linggo mula sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin:

PDF ng Kuwento

Mga larawang-guhit ni Ben Simonsen