“Isang Mabuting Halimbawa,” Kaibigan, Marso 2024, 32.
Kaibigan sa Kaibigan
Isang Mabuting Halimbawa
Mula sa isang interbyu ni Haley Yancey.
Hindi ako miyembro ng Simbahan noong bata pa ako. Nabinyagan lang ako noong adult na ako at isang negosyante.
Negosyante rin ang tatay ko. Alalang-alala siya nang sumapi ako sa Simbahan. Sabi niya, “Hindi ka na umiinom ng alak. Mahirap iyan sa mga miting kung saan sama-samang nag-iinuman ang lahat.”
Pero hindi ako nag-alala. Nagpasiya ako na kapag may nag-alok sa akin ng alak, sasabihin kong, “Hindi, salamat na lang.” Pagkatapos ay oorder ako ng iba.
Lumipas ang mga taon, at maraming beses ko itong ginawa. Pagkaraan ng ilang panahon, napansin iyon ng mga katrabaho ko. Kapag inalok ako ng alak, sinasabi nila, “Hindi umiinom si Mathias. Dalhan mo na lang siya ng iba.” Dumami rin nang dumami ang tumigil sa kanila sa pag-order ng alak. “Ayaw ko rin,” sabi nila.
Minsan, dumating ang ilang bisita sa isang miting. Sila lang ang umiinom ng alak.
Tinanong nila ako, “Bakit walang umiinom dito ng alak? Miyembro ba silang lahat ng simbahan ninyo?”
“Hindi,” sabi ko.
Hindi ako nangaral sa mga katrabaho ko tungkol sa Word of Wisdom. Matatag lang ako sa aking mga paniniwala, at napansin nila ang halimbawa ko.
Maaari ka ring maging mabuting halimbawa. Mapapansin ng iba kapag pinipili mo ang tama. Maaari mo silang tulungan sa pamamagitan lang ng pamumuhay ayon sa ebanghelyo.