Kaibigan
Magkakasamang Sumusunod kay Jesus
Marso 2024


“Magkakasamang Sumusunod kay Jesus,” Kaibigan, Marso 2024, 20–21.

Magkakasamang Sumusunod kay Jesus

alt text

Nalaman ng mga batang Primary sa Shefa, Vanuatu, ang tungkol sa kanilang family history. Gumawa sila ng mga poster ng kanilang family tree at ibinahagi ang natutuhan nila sa isang aktibidad ng Primary.

alt text

“Ang Halamanan ng Getsemani,” Mitchell H., edad 10, Arizona, USA

alt text

“Wala Siya Rito; Siya’y Nagbangon,” Rachel O., edad 7, Arkansas, USA

alt text

Clara at Brighton S., edad 5 at 7, Bavaria, Germany

alt text

Adelyn B., edad 12, Texas, USA

alt text

Gustung-gusto naming magkulay ng mga itlog at gawin ang Easter egg hunt. Laging may isang plastik na itlog na walang laman. Ipinapaalala nito sa amin ang libingang walang-laman pagkatapos na mabuhay na mag-uli si Jesus!

Eli W., edad 6, California, USA

alt text

Sa umaga ng Pasko ng Pagkabuhay, nagsisimba kami at umuuwi para mag-aral pa tungkol sa ating Tagapagligtas. Mayroon kaming 12 Easter egg na kumakatawan sa mga bagay na Kanyang ginawa. Laging walang-laman ang huling itlog dahil ito ang nagpapakita na nagbangon si Jesus!

Scarlet A., edad 10, New Mexico, USA

alt text

Alam ko na mahal tayo ng Ama sa Langit at ibinigay Niya ang Kanyang Anak para iligtas tayo. Gustung-gusto kong magsimba na kasama ang pamilya ko at makipagkita sa mga kaibigan ko sa Primary. Mahal ko ang mga guro ko sa Primary dahil sumasabay sila sa pagkanta namin sa klase!

Melanie C., edad 6, Blantyre, Malawi

alt text

Limang taong gulang pa lang ako at tumutugtog na ako ng piyano, at palagi akong nagpapraktis. Masaya ako kapag tumutugtog ako ng piyano. Gusto ko talagang tumugtog para sa mga kaibigan ko sa binyag nila.

Julián G., edad 7, Maule, Chile

alt text

Pinag-aralan ko ang Mga Saligan ng Pananampalataya para maghanda para sa binyag ko. Tinulungan ako ng mga magulang ko na matutuhan ang tungkol sa mga tipan na gagawin ko sa aking binyag.

Logan M., edad 9, Coahuila, Mexico

alt text

Madalas lumipat ng tirahan ang pamilya ko. Natutuhan ko na kung paano makipagkaibigan sa mga bagong lugar. Tinatanong ko ang mga tao kung puwede akong umupo sa tabi nila sa oras ng tanghalian. Nagkakaroon ako ng mga kaibigan kapag nagtatanong ako at nakikipag-usap sa iba.

Annie W., edad 11, Capital Governorate, Bahrain