2024
Mahal na mga Kaibigan
Setyembre 2024


“Mahal na mga Kaibigan,” Kaibigan, Setyembre 2024, loob na pabalat sa harap.

Mahal na mga Kaibigan,

si Cristo sa Getsemani

Si Jesucristo lamang ang perpekto. Dahil sa Kanyang Pagbabayad-sala, lahat tayo ay maaaring magsisi kapag nakakagawa tayo ng mga maling pagpapasiya. Ang pagsisisi ay isang kamangha-manghang kaloob! Ang ibig sabihin nito ay maaari tayong humingi ng kapatawaran sa panalangin at itama ito. Tutulungan tayo ng Tagapagligtas na subukang muli na magpakabuti.

Basahin ang mensahe ni Pangulong Oaks sa pahina 2 para malaman ang iba pa. Ano ang ginawa ni Rafaela sa pahina 14 para makapagsisi nang kunin niya ang isang bagay na hindi kanya?

Nagbubunyi kami para sa iyo!

Ang Kaibigan