“Ang mga Palatandaan ng Pagparito ni Cristo,” Kaibigan, Setyembre 2024, 24–25.
Alamin ang Tungkol sa Aklat ni Mormon
Ang mga Palatandaan ng Pagparito ni Cristo
Ang propetang si Samuel ay nagturo tungkol sa pagparito ni Jesucristo.
Itinuro niya na kapag pumarito si Jesus, magkakaroon ng isang bagong tala o bituin sa langit. Magkakaroon ng isang araw, isang gabi, at isang araw na walang kadiliman!
Itinuro niya sa mga tao na abangan ang mga palatandaang ito upang makapagsisi sila. Nais Niyang maging handa sila para sa pagparito ng Tagapagligtas.
Kapag muling pumarito ang Tagapagligtas, gusto nating maging handa rin tayo!
Hamon sa Banal na Kasulatan
-
Saan nagdasal si Nephi para sa mga tao? (Helaman 7:10)
-
Pinagpapala ang mga taong gumagawa ng ano? (Helaman 12:23)
-
Nangako ang Panginoon na titipunin ang Kanyang mga tao tulad ng pagtitipon ng anong hayop sa kanyang mga sisiw? (3 Nephi 10:4)
Maaari Kong Basahin ang Aklat ni Mormon!
Pagkatapos mong magbasa, kulayan ang bahagi ng larawan. Maaari mong basahin ang mga talatang ito na nauugnay sa babasahin sa bawat linggo mula sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin.
-
Linggo 1: Helaman 5:12
-
Linggo 2: Helaman 10:2–4
-
Linggo 3: Helaman 14:8
-
Linggo 4: 3 Nephi 4:31–32
-
Linggo 5: 3 Nephi 11:10–11
Mga larawang-guhit ni Bryan Beach