Kaibigan
Kung Sino Ka Talaga
Setyembre 2024


“Kung Sino Ka Talaga,” Kaibigan, Setyembre 2024, 32–33.

Kaibigan sa Kaibigan

Kung Sino Ka Talaga

Elder Kevin W. Pearson

Mula sa isang pag-interbyu nina Olivia Kitterman at Diana Evelyn Nielson.

Si Jesucristo at ang mga bata

Mahal tayo ng ating Ama sa Langit. Nais Niyang tulungan tayo na malaman kung sino tayo. Nilikha Niya ang ating espiritu bago tayo pumarito para manirahan sa lupa. Lahat tayo ay mga anak ng Diyos.

Kung minsan maaaring nalulungkot tayo o nag-aalala na hindi kailanman magiging sapat ang ating kabutihan. Alam na alam ni Jesucristo kung ano talaga ang nadarama natin. Tutulungan Niya tayong daigin ang anumang hamon. Ang mahihirap na bagay na nararanasan natin sa buhay na ito ay makakatulong sa atin na maging higit na katulad ni Jesucristo kung babaling tayo sa Kanya.

Tinutulungan tayo ng ebanghelyo na tingnan ang ating sarili tulad ng pagtingin sa atin ng Ama sa Langit. Sa pagsampalataya natin kay Jesucristo, maaaring maging mga pagpapala ang ating mga pagsubok. Ang malaman kung sino kayo at kung ano ang tingin sa inyo ng Diyos ay magpapala sa sinuman anuman ang edad nila!

Kapag naunawaan natin kung sino tayo bilang mga anak ng Diyos, makapagpopokus tayo sa kung sino ang nais ng Ama sa Langit na kahinatnan natin. Haharapin natin ang ating mga hamon na kasama Siya. Kahit hindi tayo perpekto at magkakamali tayo, makasusumpong tayo ng pag-asa sa pagkaalam na tayo ay mga anak ng Diyos.

Hanapin ang mga Paborito

Lahat tayo ay magkakaiba. Magkakaiba ang ating mga talento, gusto, at hindi gusto. Pero lahat tayo ay mga anak ng Diyos.

Gamitin ang mga clue para punan ang chart at alamin kung saan interesado ang bawat isa sa magkakaibigang ito. Hint: Lagyan ng X sa tabi ang alam mong hindi totoo. Ginawa na ang una para sa iyo. Kapag tapos ka na, dapat ay may isang square na walang laman sa bawat column!

  1. Ang piano player ay hindi si Amara o si Jade.

  2. Ayaw ni Max ang math.

  3. Walang isa man sa mga batang lalaki ang tumutugtog ng instrumento o marunong ng karate.

  4. Ang babaeng mahilig sa mga hayop ay hindi si Amara.

  5. Si Kai lang ang mahilig sa basketball.

PDF

Mga larawang-guhit ni Sabrina Gabrielli