2024
Mga Aktibidad sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Setyembre 2024


“Mga Aktibidad sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin,” Kaibigan, Setyembre 2024, 28–29.

Mga Aktibidad sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Para sa home evening o pag-aaral ng mga banal na kasulatan—o para lang sa paglilibang!

Agosto 26–Setyembre 1

Matitibay na Pundasyon

Para sa Helaman 1–6

A bird feeder on a rock and knocked down.

Itinuro ni Helaman sa kanyang mga anak na isalig ang kanilang buhay sa matibay na pundasyon ni Jesucristo (tingnan sa Helaman 5:12). Ang pundasyon ay ang pinagsasaligan ng isang bagay. Ang matibay na pundasyon ay nagpapalakas sa buong gusali, kahit sa mga unos. Magtayo ng dalawang tore—isa sa matibay na pundasyon at isa sa mahinang pundasyon. Aling tore ang mas matibay? Paano natin maitatatag ang ating buhay kay Jesucristo?

Setyembre 2–8

Patotoo kay Cristo

Para sa Helaman 7–12

A girl reads something to a boy sitting on a couch.

Maraming tao sa mga banal na kasulatan ang nagturo at nagpatotoo tungkol kay Jesucristo (tingnan sa Helaman 8:16–20). Maaari mo ring simulang patatagin ang iyong patotoo tungkol sa Kanya! Ang patotoo ay isang bagay na pinaniniwalaan o alam mong totoo tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo. Isulat ang iyong patotoo at magpraktis na ibahagi ito sa iyong pamilya o mga kaibigan.

Setyembre 9–15

Si Samuel na Umaakyat sa Pader

Para sa Helaman 13–16

A boy and a girl cutting out and creating crafts.

Si Samuel ay isang propetang nagturo tungkol kay Jesucristo mula sa ibabaw ng isang pader sa lungsod (tingnan sa Helaman 13:4). Magpunta sa pahina 12 at gawin ang craft para matulungan kang isalaysay ang kuwento ni Samuel.

Setyembre 16–22

Game o Laro Tungkol sa Pagtitipon

Para sa 3 Nephi 1–7

Children playing a game, one of them has a hand raised.

Ipinangako ni Jesucristo na titipunin Niya ang lahat ng mga anak Niya dahil mahal Niya ang lahat at nais Niyang mapasakanila ang ebanghelyo (tingnan sa 3 Nephi 5:24). Maglaro ng isang game tungkol sa pagtitipon. Patayuin nang pabilog ang mga player. Isang taong nasa gitna ang magsasabi ng isang katotohanan tungkol sa kanyang sarili, tulad ng paborito niyang kulay. Kung totoo iyan para sa iba pa, pupunta rin sila sa gitna. Magpatuloy hanggang sa matipon ang lahat sa gitna.

Setyembre 23–29

Si Jesucristo ang Ilaw

Para sa 3 Nephi 8–11

A boy drawing at a table.

Si Jesucristo “ang ilaw at ang buhay ng sanlibutan” (3 Nephi 9:18). Panoorin ang pagsikat o paglubog ng araw kasama ang inyong pamilya. Pagkatapos ay idrowing ang nakita ninyo. Habang nagdodrowing kayo, pag-usapan ang mga dahilan kung bakit mahal ninyo si Jesucristo at kung paano Niya kayo binibigyan ng liwanag.

PDF

Mga larawang-guhit ni Katy Dockrill