Kaibigan
Mga Bulaklak para sa Kapitbahay Ko
Setyembre 2024


“Mga Bulaklak para sa Kapitbahay Ko,” Kaibigan, Setyembre 2024, 38.

Isinulat Mo

Mga Bulaklak para sa Kapitbahay Ko

Batang lalaking nagbibigay ng mga bulaklak sa babae

Ilang taon na ang nakalipas, namatay ang asawa ng kapitbahay ko. Nalungkot siya talaga.

Alam ko kung ano ang pakiramdam ng mawalan ng mahal sa buhay. Noong tatlong taong gulang ako, namatay ang nanay ko. Nang mamatay siya, sinulatan kaming magkapatid ng mga bata sa lugar namin at dinekorasyunan nila ng mga laruan ang bakuran namin. Gusto kong gumawa ng isang bagay na kasingganda nito para sa kapitbahay ko.

Nagdasal ako para malaman kung ano ang magagawa ko para makatulong. Pumasok sa isip ko na bigyan siya ng mga bulaklak sa Valentine’s Day. Gayunman, kinailangan kong kumita ng pera para mabili ang mga bulaklak. Ginawa kong mithiin sa aking Gabay na Aklat ng mga Bata na kumita ng pera.

Kumita ako ng pera sa paggawa ng iba’t ibang trabaho para sa iba. Binayaran ako ng lola ko para linisin ang kanyang hardin at walisin ang mga dahon sa bakuran niya. Sa bahay, kumita ako ng pera sa pagbunot ng mga damong ligaw sa likod ng shed namin. Umabot ng ilang buwan ang pagsisikap kong kumita ng sapat na pera.

Sa wakas sapat na ang pera ko para makapunta sa isang tindahan at makabili ng mga bulaklak. Sumapit ang Valentine’s Day, at ibinigay ko sa kapitbahay ko ang mga bulaklak na may kasamang munting liham. Sumaya siya talaga. Sumigla at sumaya rin ako. Pinasalamatan ko ang Ama sa Langit sa pagtulong sa akin na gawin ang nais Niyang gawin ko.

PDF

Larawang-guhit ni Dave Klüg