“Pagsunod kay Jesus sa Zimbabwe,” Kaibigan, Setyembre 2024, 16–17.
Pagsunod kay Jesus sa Zimbabwe
Kilalanin si Saria!
Paano Sinusunod ni Sariah si Jesus
Si Sariah ay may ilang problema sa kalusugan. Umiinom siya ng gamot para matulungan siya. Nagpapasalamat siya para sa kanyang buhay. “Tinutulungan ako ng Tagapagligtas, kaya walang dapat ipag-alala,” sabi niya.
“Kapag pagod ang nanay ko, kailangan niya ng makikipaglaro sa bunso kong kapatid,” sabi ni Sariah. Tumutulong siya sa pamamagitan ng pagkanta sa kanyang kapatid, pagkarga sa kanya, at pakikipaglaro sa kanya.
Si Sariah ang unang nakakapansin kapag malungkot ang nanay niya, at lagi niya itong niyayakap nang mahigpit. “Ang pagtulong sa mga tao ay nagpapasaya sa akin,” sabi niya. “Lalo na ang pagtulong sa pamilya ko.”
Tungkol kay Sariah
Edad: 7
Mula sa: Mashonaland East, Zimbabwe
Mga Wika: English, Shona
Mga Mithiin: 1) Maging dancer. 2) Maging doktor.
Libangan: Makipaglaro sa mga kaibigan
Pamilya: Sariah, Inay, Itay, kuya, ate, bunsong kapatid na babae
Mga Paborito ni Sariah
Kuwento sa Aklat ni Mormon: Nang basbasan ni Jesucristo ang mga batang Nephita (tingnan sa 3 Nephi 17)
Holiday: Pasko ng Pagkabuhay
Mga Bunga: Mga mansanas at ubas
Kulay: Pula
Awitin sa Primary: “The Sixth Article of Faith” (Children’s Songbook, 126)