Kaibigan
Ang Pagsisisi ay Masaya!
Setyembre 2024


“Ang Pagsisisi ay Masaya!” Kaibigan, Setyembre 2024, 2–3.

Mula sa Unang Panguluhan

Ang Pagsisisi ay Masaya!

Hango mula sa “Nalinis sa Pamamagitan ng Pagsisisi,” Liahona, Mayo 2019, 91–94.

si Jesucristo na may kasamang mga bata

Ang pagsisisi ay isang kagalakan. Mahalagang bahagi ito ng plano ng Diyos. Lahat tayo ay kailangang magsisi.

Para makapagsisi, kailangan tayong magsimula nang may pananampalataya kay Jesucristo. Kailangan nating talikuran ang ating mga kasalanan at ipagtapat ang mga ito. Ibig sabihin nito ay kinikilala natin na nagkamali tayo, nagsosori tayo sa mga nasaktan natin, at pinipili nating gumawa ng mas mabubuting pasiya. Dapat tayong tumanggap ng sakramento tuwing araw ng Sabbath.

Kapag nagsisisi tayo, magiging malinis tayo. Nangangako ang Panginoon na “hindi na [ma]aalaala ang [ating mga kasalanan]” (Doktrina at mga Tipan 58:42). Napakagandang pangako! Kaylaking himala! Kaylaking pagpapala!

Inuunat ng ating mapagmahal na Tagapagligtas ang Kanyang mga bisig para tanggapin ang lahat ng nagsisisi at sumusunod sa Kanya.

Malinis nang Muli

Gawin ang aktibidad na ito para matutuhan mo ang tungkol sa pagsisisi!

  1. Punuin ng tubig ang isang malinaw na lalagyan. Pagkatapos ay maghulog ng ilang bato at kaunting lupa sa tubig. Isinasagisag nito ang mga maling pagpapasiyang ginagawa natin.

  2. Para muling maging malinis, kailangan nating itigil ang paggawa ng mali. Para maipakita ito, alisin ang mga bato sa lalagyan. Ano na ang hitsura ng tubig ngayon? Marumi pa rin ba?

  3. Para lubos na makapagsisi, kailangan natin si Jesucristo. Kailangan tayong manampalataya sa Kanya at sa Kanyang Pagbabayad-sala. Hawakan ang lalagyan ng tubig na nakatapat sa gripo. Hayaang pumasok ang malinis na tubig sa lalagyan hanggang sa lumabas ang lahat ng maruming tubig! Sumasagisag ito sa kapangyarihan ni Jesucristo na tulungan tayong maging malinis.

PDF ng Kuwento

Mga larawang-guhit ni Alyssa Tallent