“Magkakasamang Sumusunod kay Jesus,” Kaibigan, Setyembre 2024, 20–21.
Magkakasamang Sumusunod kay Jesus
Trevor B., edad 8, Okinawa Prefecture, Japan
Georgia B., edad 8, Kansas, USA
Unique S., edad 10, Davao Region, Philippines
Ellery S., edad 11, Texas, USA
Clayton, Camilla, Camden, at Clara U., edad 4, 10, 8, at 6, South Dakota, USA
“Magmahal, Magbahagi, Mag-anyaya,” Will P., edad 10, Idaho, USA
Nakikipaglaro ako sa nakababata kong mga kapatid na lalaki at tinutulungan ko silang magbihis habang nagbibihis ang nanay ko para magsimba. Nadarama ko ang pagmamahal ng Panginoon para sa akin kapag tinutulungan ko ang aking pamilya.
Spencer F., edad 8, South Carolina, USA
Nagwawalis ako ng sahig at naghahanda ng mesa bago kumain para matulungan ang nanay ko. Tinutulungan ko ang mga kaklase ko sa homework nila at ang mga guro ko na maglipat ng mga aklat sa paaralan.
Kayser I., edad 7, Macau, China
Kabado akong dumalo sa Primary matapos lumipat ang pamilya ko sa isang bagong bansa. Nagdasal ako para madama ko na tanggap nila ako. Natutuhan namin sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan ng pamilya kung paano minahal at pinaglingkuran ni Jesus ang lahat. Unti-unti, pinipili kong maging higit na katulad ni Jesus at nagpapasalamat ako sa mga bagong kaibigan ko sa Primary.
Jenika K., edad 10, Mashonaland, Zimbabwe
Pinatugtog ng nanay ko ang mga himno para pakinggan ko. Gumanda ang pakiramdam ko dahil dito, at pakiramdam ko ay malapit sa akin si Jesus.
Laura O., edad 6, Santa Catarina, Brazil